This website uses cookies to ensure you get the best experience on our website

News Archives

Pagbabago

Pagbabago

Ni Agnes Alarilla Alba, MD

 

Ano na nga ba ang dapat gawin

Sa mabilis na paginog ng ating mundo

Sanga sangang  daan ang babagtasin

Maging alerto sa bawat sigundo

 

Unang tingnan ang ating sarili

Isipin at tayo ay magmunimuni

Kung ano ang maliliit na Gawain

Na maari nating aksyonan at  unahin

 

Magsimula sa sariling pamilya

Tamang Gawain at pagpapahalaga

Ang ating anak at kasambahay

Sila ang inspirasyon at tagapagbigay buhay

 

Maayos na pakikitungo

Maliwanag na direksiyon

Mapagmalasakit ngunit

Sa  matuwid laging kumapit

 

Ngunit ito ay sadyang mahirap

Nakakabulag  at nakailito sa isang kurap

Minsan ang nakararami ay akala mong tama

Nalilimutan ang wasto dahil sa pakikisama

Kailangan natin manindig

Magbingbingihan ng ang tukso ay di madinig

Ipikit ang mata kung kailangan

Sa tama  ay huwag ng magalangan

 

Pagbabago- ito ay  laging narito

Pagibig sa kapwa – ialay at wag magsawa

Ipaglaban kung ano ang tama

Sabandang huli  sa atin pa rin ang huling tawa